Sa aking palagay ay nakakatulong ang post na ito sa ating wika dahil ipangmamalaki nila ang kanilang sariling wika at ito ay mahal nila. Dahil sabi nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal ay "ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda" kaya dapat natin itong ipagmalaki at gamitin ng tama kagaya ng ginawa ng mga tao sa larawan na pinagmamalaki nila at pinupuri nila ang kanilang sariling wika.
Pagpapahalaga sa wika
ANG AKING PAG-AARI Mayroon akong isang pag-aari, Ginagamit ko para sa iba ngunit kung minsa'y para sa sarili. Para itong paglalarawan sa porma ng mga letra, Letrang pinagtagpi-tagpi upang maging salita. Itong aking pag-aari'y ginagamit ko nang ginagamit. Sariling wika'y sa dila at kamay ko isinukbit. Sa pakikipagtalastasan man o pagsusulat, Itong wika ko'y siyang tinta ko't kaakibat. Umunlad man ang mundo, Hindi ko ito idadaan sa pagbabago. Aralin ko man ang sanlibong wika ng iba, Itong wika ko'y siya pa ring babalika't babalikan sa tuwina. Mayroon akong isang pag-aari, Luma ma'y siya ko pa ring itatangi. Itatanim at pangangalagaan ko ito sa utak at puso Hindi ipagpapalit ang wikang aking simbolo.
Mahusay Anthon!
ReplyDeleteMaaaring gamitin ang social media upang maipalaganap ang tamang paggamit sa ating wika.