Lakas ng wika sa mamamayang makabansa


  Ang Kapangyarihan ng wika 
        

           Bakit nga ba sikat o mahalaga ang wikang ingles? bakit nga ba madaming pilipino  ang pinag-aaralan ang Hangul? bakit marami sa ating mga kabataan ang nahihirapan o hindi kaya ang magsalita ng purong tagalog? malaki ang papel ng kapangyarihan ng wika saatin dahil upang mapatatag ang estado nito at mas marami ang makikinabang.

        Mahalaga talaga ang wikang Ingles. Subalit, meron pa rin ang mga maling akala sa kahalagan ng wikang ito.Isa na rito ang paniniwalang ang Ingles ay susi sa kaunlarang pang-ekonomiya. Ito ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi ito ay naging paraan din ng kolonisasyon. Dumarami ang mga kabataan na hindi na marunong magsalita ng purong tagalog dahil tayo o sila ay nasanay na gumamit ng ibang lengguwahe dahil halos karamihan saatin ay gumagamit na ng iba ibang wika gaya ng wikang ingles. Dahil para sa kanila pag marunong kang magsalita ng wikang ingles ay aangat ka, kung hindi ka marunong ay uuwi ka sa mababang kalagayan. Dahil ang taong marunong mag-ingles ay hindi lamang palatandaan ng kagalingan sa lengguwahe, Palatandaan din ito ng kaalaman, pagkakaroon ng class, pagkakaiba sa karaniwang mamaayaman. Kaya ganon nalamang nangingibabaw ang wikang ingles kesa sa wika natin

           Subalit, Ano nga ba ang kahalagahan ng wikang Filipino? ang wikang Filipino ay tunay na napakayaman, tunay ito na kakaiba at madaling matutunan at magamit. Datapwat, kailangan natin itong gawing pangunahing lengguwahe upang ito ay ating lalo pang mapayaman. Marami at sari-sari ang gamit ng wika; hindi lamang bilang isang paraan ng pakikipagkomunikasyon ng bawat isa kungdi ito ay isa ring paraan o kasangkapan ng komunikasyon. Bagamat, ang wika ay hindi lamang  koleksiyon ng mga salita at mga paraan sa paggamit nito, at ang pinakaimportante ay ang wika ay isang buhay na bagay, tumutubo ang wika mula sa  puso ng isang bayan.

            Kaya  dapat nating ingatan at pagyamananin ang ating wika para ito ating maging pangunahing lengguwahe. Kagaya ng ibang bansa tulad ng China, Japan, Korea at mga bansang arab ay tunay na napakalas ng kanilang sariling wika. Inuuna nila ang kanilang sarili kaya ang kanilang bansa ay umuunlad, sa turismo at sa hanay narin ng kanilang wika. Dapat nating silang tularan upang ang ating wika ay maging malakas at makapangyarihan. dahil ito ang ating dadalhin at gagawing sandata sa apara sa ibang bansa.

        

 

                          


     

                                                        

   

Comments

Popular posts from this blog

Pagpapahalaga sa wika