Pagpapahalaga sa wika

                                              

ANG AKING PAG-AARI     

Mayroon akong isang pag-aari, 
Ginagamit ko para sa iba ngunit kung minsa'y para sa sarili. 
Para itong paglalarawan sa porma ng mga letra, 
Letrang pinagtagpi-tagpi upang maging salita. 

Itong aking pag-aari'y ginagamit ko nang ginagamit. 
Sariling wika'y sa dila at kamay ko isinukbit. 
Sa pakikipagtalastasan man o pagsusulat,
Itong wika ko'y siyang tinta ko't kaakibat. 

Umunlad man ang mundo, 
Hindi ko ito idadaan sa pagbabago. 
Aralin ko man ang sanlibong wika ng iba, 
Itong wika ko'y siya pa ring babalika't babalikan sa tuwina.

 Mayroon akong isang pag-aari, 
Luma ma'y siya ko pa ring itatangi. 
Itatanim at pangangalagaan ko ito sa utak at puso 
Hindi ipagpapalit ang wikang aking simbolo.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Lakas ng wika sa mamamayang makabansa