Posts

Image
 Sa aking palagay ay nakakatulong ang post na ito sa ating wika dahil ipangmamalaki nila ang kanilang sariling wika at ito ay mahal nila. Dahil sabi nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal ay "ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda" kaya dapat natin itong ipagmalaki at gamitin ng tama kagaya ng ginawa ng mga tao sa larawan na pinagmamalaki nila at pinupuri nila ang kanilang sariling wika.

Pagpapahalaga sa wika

Image
                                                          ANG AKING PAG-AARI       Mayroon akong isang pag-aari,  Ginagamit ko para sa iba ngunit kung minsa'y para sa sarili.  Para itong paglalarawan sa porma ng mga letra,  Letrang pinagtagpi-tagpi upang maging salita.  Itong aking pag-aari'y ginagamit ko nang ginagamit.  Sariling wika'y sa dila at kamay ko isinukbit.  Sa pakikipagtalastasan man o pagsusulat, Itong wika ko'y siyang tinta ko't kaakibat.  Umunlad man ang mundo,  Hindi ko ito idadaan sa pagbabago.  Aralin ko man ang sanlibong wika ng iba,  Itong wika ko'y siya pa ring babalika't babalikan sa tuwina.  Mayroon akong isang pag-aari,  Luma ma'y siya ko pa ring itatangi.  Itatanim at pangangalagaan ko ito sa utak at puso  Hindi ipagpapalit ang wikang aking simbolo.

Lakas ng wika sa mamamayang makabansa

Image
   Ang Kapangyarihan ng wika                        Bakit nga ba sikat o mahalaga ang wikang ingles? bakit nga ba madaming pilipino  ang pinag-aaralan ang Hangul? bakit marami sa ating mga kabataan ang nahihirapan o hindi kaya ang magsalita ng purong tagalog? malaki ang papel ng kapangyarihan ng wika saatin dahil upang mapatatag ang estado nito at mas marami ang makikinabang.          Mahalaga talaga ang wikang Ingles.  Subalit, meron pa rin ang mga maling akala  sa kahalagan ng wikang ito. Isa na rito ang paniniwalang ang Ingles ay susi  sa kaunlarang pang-ekonomiya. Ito ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi ito ay naging paraan din ng kolonisasyon. Dumarami ang mga kabataan na hindi na marunong magsalita ng purong tagalog dahil tayo o sila ay nasanay na gumamit ng ibang lengguwahe dahil halos karamihan saatin ay gumagamit na ng iba ibang wika gaya ng wikang ingles. Dahil para sa kanila pag marunong kang magsalita ng wikang ingles ay aangat ka, kung hindi ka marunong ay